Pages

Linggo, Pebrero 3, 2013

"ANG KWENTO SA LIKOD NG MGA ANINO"



CHOOSE PHILIPPINES!!! yan ang temang isinabuhay ng grupong EL GAMMA PENUMBRA, gamit ang malikhain nilang anino. 
Una nanating nakita ang Vinta mula sa Zamboanga,kilala rin sa mga tawag na lepa-lepa at sakayan ay isang tradisyunal na bangkang matatagpuan sa pulo ng Mindanao. Karaniwan itong ginagawa ng mga Bajau at ng mga Moro tulad ng mga Tausug. Makukulay ang mga banderitas nito na sumisimbolo sa makulay at mayamang kultura at kasaysayan ng mga naninirahan sa Kapuluan ng Sulu. Hanggang sa kasalukuyan, ginagamit pa rin ang mga bangka para sa transportasyon ng mga tao at iba't ibang kagamitan. Kilala ang Zamboanga dahil sa mga ito. Pangalawa naman nating nasilip ang isa sa mga pinagmamalaki ng bicolano , lalo na ng mga taga Donsol Sorsogon dahil dito matatagpuan ang pinakamaraming bilang ng Butanding. Butanding kung saan ito ang nagpapatunay na malinis at mayaman ang karagatan sa Pilipinas. Kung may butanding sa Donsol Sorsogon, ay aba hindi naman magpapatalo ang Tarsier na matatagpuan sa mga kakahuyan ng bohol. Teka lang hindi pa diyan natatapos ang ipinagmamalaki ng mga boholano, meron pa silang sikat na CHOCOLATE HILLS, o ang mga "karamelo", ay isang anyong lupa sa Pilipinas na matatagpuan sa hangganan ng mga lalawigan ng Carmen, Bohol. Ito ay isang tinatawag na "extinct volcano". Kapag dumaan ka sa national road ito ay malinaw na nakikita. Ito ang isa sa magagandang tanawin sa bansa. Ayon sa isang alamat, sinasabing ang mga maliliit na bulubunduking ito ang mga bakas ng mga tulo ng luha ng isang higanteng sawi sa pag-ibig.
Aba siyempre hindi naman magpapatalo ang mga ilokano sa maraming magagandang tanawin at mayayamang tradisyon dito , tulad na lamang ng Bangui Windmill, kalesa ride in Vigan at ang Banaue Rice Terraces. Bangui Windmill  ay bahagi ng NorthWind Bangui Bay Project ng NorthWind Power Development. At kung gusto mo naman maranasan ang ganda ng pagsakay sa isang kalesa ay, wag ng magpatumpik-tumpik pa punta ka ng Vigan. Ang Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe (Ingles: Banaue Rice Terraces) ay mga 2000-taong gulang na mga hagdanang-taniman na nililok sa mga bulubundukin ng Ifugao sa Pilipinas ng mga ninuno ng mga katutubong mamamayanang Batad. Karaniwang tinatawag ito ng mga Pilipino bilang "Ikawalong Kahangahangang Pook sa Mundo".
Hindi ka batang pinoy kung hindi ka pa nakakatikim ng pinoy sorbetes, Ito ang kadalasang hilig ng mga batang pinoy, at pati narin ng mga matatanda, Kadalasan ito ay nakalagay sa cup, cone at minsan naman ay ay ipinapalaman sa MONAY. Sira na ba ang sapatos mo? wag ng magpatumpik-tumpik pa pumunta ka na sa tinaguriang Shoe Capital of the Philippines ang marikina. Kilala ito dahil sa mga matitibay at kakaibang mga sapatos na kanilang ginagawa. Ang harana o serenata ay ang awit o tugtugin na isinasagawa isang gabi mula sa labas ng tahanan ng taong pinararangalan o nililigawan. Karaniwan itong ginagampanan ng isang lalaking manliligaw sa may ibaba ng bintana ng bahay ng kaniyang babaeng nililigawan. Iniaalay niya ang tugtugin at awit para sa kaniyang sinisinta, nang sa gayon mapagwagian niya ang puso ng sinusuyo at iniibig. Karaniwan itong nagaganap sa mga lalawigan. Madalas ding sinasaliwan ng tugtugin mula sa isang gitara ang kumakantang tinig ng lalaking mangingibig. Hindi rin naman magpapatalo ang dalawang sikat na sasakyan sa ating bansa ang tricycle at jeepney. Ito ang kadalasang sinasakyan ng marami sa atin, Dito mo lang to sa pinas ma-eexperience :)
Ipinakita rin sa Video ang isa pa sa pinagmamalaki ng mga bikolano ang MAYON VOLCANO, isang aktibong bulkan na matatagpuan sa albay.Inihahambing ito sa Bundok Fuji ng bansang Hapon dahil sa tila perpekto nitong hugis. Matatagpuan ang Lungsod ng Legazpi ilang kilometro sa timog nito.
Sa pagbaba ng dalawang screen , mas naipakita pa ng grupong el gamma penumbra ang ganda ng pilipinas. Ipinakita nila dito ang tatlong sikat na monumento na halos lahat matatagpuan sa Metro Manila, ang Rizal Monument, Bonifacio Monument at ang people Power Monument. Bawat monumentong iyan ay may mahalagang kahulugan sa pagkahubog ng ating bansang Pilipinas. Ipinakita rin nila ang mga Philippine dance tulad ng Manlalatik, Tinikling at mga sayaw sa Festival tulad ng Panagbenga Festival. Isinaman na rin nila ang Philippine sports tulad ng Luksong baka, Arnis at sepak Takraw. Pati ang pagbabangka sa Puerto Prinsesa Underground River ay di nila pinatos, kasabay ang tila paglabas nito bilang isang grupo ng mangbabangka ang Philippine Dragon Boat Team. Astig diba !!
At di pa diyan nagtatapos pinakita rin nila ang buhay ng isang promdi na nagmula sa probinsya at tumungo sa siyudad upang maranasan ang buhay dito.  Pinakita rin ng El Gamma Penumbra ang Dalawang relihiyon ang Muslim at Katoliko, na ipinapakita kung ano ang way ng pagsamba ng dalawang relihiyon na noon pa ay may alitan.Gusto rin ipahiwatig nila na dapat magkasundo na ang dalawang relihiyon. Peace peace peace :) Sa pagtatapos ng Shadow play ay nakita natin ang KUbo, puno ng Narra at kalabaw.
Sa presentasyon na ito nakita natin na ang pilipinas ay maganda at maganda at  maganda at MAGANDA !



Salamat po sa Video:
Choose Philippines

Sabado, Pebrero 2, 2013

"NASA HULI ANG PAGSISISI"



“Kung hindi ako nagfacebook, sana nakapagreview ako.”
“Kung hindi ko ginawa yun, sana hindi nasira friendship namin.”
“Kung ipinaglaban lang kita, sana tayo pa”
“Kung pinaramdam ko lang sa kanya kung gaano sya kahalaga, sana akin pa din sya.”
“Kung ginawa ko lang ang mga bagay na to nung nabubuhay pa sya, napadami ko sana ang maliligayang oras nya.”
Maliliit na bagay hanggang sa malalaki, maaaring magdulot ng pagsisisi.
Madalas nating marinig ang katagang “Nasa huli ang pagsisisi.”Madalas sabihin pero iilan siguro ang nag-isip at nagtyagang halukayin ang utak para magkaroon ng sagot sa tanong na to. Pero bakit nga ba?
May mga nagsasabing, ang sagwa naman daw kasi kung nasa unahan, di mo pa ginagawa nagsisisi ka na. Oo nga naman, ang galing mong pilosopo. May mga nagsasabi din kasi may konsensya kaya nagsisisi, kasi kung wala malamang hindi magsisisi. May punto nga naman.
Pero para sakin, kaya nasa huli ang pagsisisi ay para maging bukas ang isip at mga mata natin, na hindi natin hawak ang buhay. Hindi natin hawak ang panahon. Hindi natin alam kung kailan babawiin sa atin ang hiram na buhay natin at ng mga mahal natin.Kaya gawin na natin ang magagandang bagay na dapat nating gawin, para sa atin at para sa kapwa natin.
Minsan sa kagustuhan nating mapagbigyan ang sarili, sumusunod na lamang tayo sa mga kagustuhan nito. Totoo nga na ang pinakamahirap kalabanin ay ang iyong sarili.
Minsan sa sobrang pagmamahal natin sa pride, titikisin natin ang mahahalagang tao sa buhay natin. Matinding tikisan na parang pride lang ang meron tayo sa buhay. Na parang siguradong sigurado tayo na magtatagal pa naman tayo sa mundo at pwedeng ipagpabukas na ang paghingi ng paumanhin o ang relasyong dapat ayusin.
Naisip mo na ba minsan bago ka matulog, na pano kung ito na ang huling gabi mo? O ang huling gabi ng taong mahal mo? Paano kung wala ka na at hindi mo nasabi na mahalaga sya, na sorry sa kasalanan mong pinaninindigan mo pa at hindi mo man lang naibigay yung gusto nya na kung tutuusin ay libre naman – atensyon at oras?
Bakit ang daling magpasalamat sa mga kaibigan natin, pero siguro sa magulang natin, iilan ang nakakagawa. Marahil may mga aapela at sasagot ng “Actions speak louder than words.” Sige, pansamantala paniwalaan natin ito. Pero pag nasa harap ka na ng puntod ng taong mahalaga sayo, pupusta ko sasabihin mo din ang katagang “Salamat” at “Mahal” kita”… this time sa kaluluwa.
Pero hindi ko sinasabi na daanin natin sa salita pero kulang naman sa gawa. It goes hand in hand.
Nakakalungkot na kung kailan patay na saka tayo nag-aabot ng tulong at nag-uubos ng oras sa burol. Na posibleng hindi natin nagawa nung mga panahong sila ay nabubuhay pa. Minsan nakakalungkot isipin, pag nakakarinig tayo ng eulogies, na ang magagandang bagay na sinasabi ay hindi na maririnig ng taong nakatakda ng ilibing. It will no longer touch his heart, not even open his eyes, nor save his soul…
Mapapaisip ka kung nasabi nya kaya ang mga bagay na to nung buhay pa yung tao? Nasabi nya bang “Napakabuti mo sa akin at ikaw ang nagbigay ng ilaw sa madilim na landas ko.”
Nayakap kaya ng taong ito ang taong namatay sa mga mga panahong kailangan nya ng masasandalan? Maganda kung nasabi nya. Pero kung hindi, nakakalungot… sayang kasi sana nadagdagan natin ang maliligayang oras nila. Sayang sana mas naging inspirado sya pag nalaman na may mga tao syang napapasaya. Sayang sana naipaalam natin na may silbi ang buhay nila.
Sabi nga ni Abraham Lincoln - “And in the end it is not the years in your life that count, it’s the life in your years.”
Napakahirap magsisi sa huli. Napakahirap ibalik ang mga panahong lumipas na.
Sabi nga nila…
“The bitterest tears shed over graves are for words left unsaid and deeds left undone.”
Kaya kaibigan habang may panahon pa, gawin natin ang mga bagay na magpapaligaya sa kapwa natin. Ang mga bagay na mag-aayos sa mga relasyong nasira natin.



"ANG KWENTO SA PAGPUNTA NI BUDOY SA TUP-T"





                  Gerald Anderson has started work on a TV re-telling of the life story of Sen. Alan Peter Cayetano. The 23-year-old actor will portray the former Taguig-Pateros congressman in an upcoming episode of the long-running drama anthology "Maalaala Mo Kaya". On Wednesday, Anderson started filming for the TV biopic. In a number of scenes, Anderson is seen as Cayetano during his days as a student leader. The character is also seen taking part in a protest against tuition fee increase. Cayetano was a student at De La Salle-Santiago Zobel School and later University of the Philippine in Diliman, before attending law school at Ateneo de Manila University.

                         TANONG: BAKIT SA TUP-T GINANAP YUNG COLLEGE PART NG EPISODE STORY NI ALLAN PETER CAYETANO?
                           SAGOT: KASI KUNG ANG UP AY "UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES" ANG TUP NAMAN AY "TUNAY NA UP".

Biyernes, Pebrero 1, 2013

"ANONG TAGALOG NG CAKE?"



          Sa isang maingay na tulay na kalsada sa ilalim nito ay may naninirahang dalawang magkapatid na sina, Ding at Dong ang magkapatid na isang kahig isang tuka ang sistema ng buhay. Kung hindi dahil sa pagkakalakal nila ng mga bote, plastic diyaryo at iba pang mabebeta ay wala silang makakain sa pang araw-araw nila. Hindi na mahalaga sa dalawang magkapatid ang kung anong mga bagay pa tulad ng magkaroon ng mga bagong gamit, magkaroon ng mapaglilibangan tulad ng telebisyon, ang mahalaga lang sa kanila ay magkalakal upang magkaroon ng laman ang kanilang sikmura. Bata pa lang ng mamatay ang magulang ng dalawa, ulilang lubos sila. Pangarap sa buhay ay hindi na sumasagip sa dalawa, Kahit nga pag-aaral ay tinuturing nalang na isang HIMALA. 12, yr. old si dong at ang kuya ding naman nito ay 17 yr. old na. Parehong elementarya lang ang natapos ng dalawa at di na sila nagHAHANGAD pa.

          "Kuya sampung araw nalang birthday mo na pu pala", nakangiting sambit ni dong sa tila problemadong kuya. Nakatingin ito sa isang Restaurant na nagtitinda ng mga cake, at bigla itong lumapit sa isang poster promo ng restaurant, ang nakasulat sa poster promo ay:
15 days of deliciousness !
Buy chocolate cakes for 150 pesos ONLY
          "huy Kuya !",sabay kalabit nito sa braso ng nakakatandang kapatid. Lumingon naman ito at ngumiti sa kanya at hinawakan ang ulo na kapatid sabay gulo sa buhok ng kapatid, na ikinatuwa naman ni dong. "Tara na nga ", yaya ng ni ding sa bunsong kapatid. Paalis na sila, pero nahalata ni dong na nakatingin parin ang kanyang kuya sa restaurant ng mga cake. "Ao nga sabi mo kanina dong?", tanong ng ni ding sa kapatid , "sabi ko sampung araw nalang birthday muna", sabay tawa ang pilyong si dong, "Anong araw na ba ngayon?" tanong ulit ni ding. "january 26, 2013, kuya", sagot ni dong, "ahm may tanong ako"- ding, "ano yun kuya", tanong ni dong sa kanyang kuya, "Anong tagalog ng CAKE?", sabay isang pilyong ngiti ni ding sa kapatid, "OO nga noh? ano kaya? ... teka iisipin ko pa" - dong. "Wag na bobo ka kasi, hahahahah"-dong. Nag-isip naman si dong sa tanong ng kuya. "tara na hanap na tayo kalakal", at tinulak na rin  nito ang dalang kariton, sumunod na rin si dong.
          Maraming nakuhang kalakal ang magkapatid, naibenta nila ito ng halos 300 pesos.  Bumili ng bigas ang dalawa at agad isinaing nila ito, bumili na rin sila ng dalawang de lata ng sardinas at iginisa na rin nila ito. Pagkatapos mag-luto sabay ng kumain ang dalawa. Gabi na nun at nagpahinga na rin sila pagkatapos kumain, naligo at muna si dong bago natulog. Naabutan ni Ding ang kapatid na nakahiga na rin sa munti nilang bahay sa ilalim ng tulay. Habang tinititignan niya ang bunsong kapatid ay may konting luha na rin ang nanggigilid sa kanyang mga mata. Di rin niya napigilan mapaluha sa awa na nadadama niya sa kanyang kapatid dahil di nito ma-enjoy ang buhay bilang isang bata. Iniwan na muna ni Ding ang kapatid lumabas na muna siya sa labas upang magmuni-muni. Isang grupo ang kanyang nakita may kinuha itong bata at isinakay sa isang puting Van, iyak ng iyak ang batang babae, habang tinatawag nito ang pangalan ng kanyang kuya. Pagka-alis ng Van ay nakita na lamang niya ang isang lalaki na Umiiyak. Nilapitan niya ito, at tinanong niya ng:  "Bakit mo yun ginawa?", "madali lang ang sagot diyan, para magkapera", sagot ng lalaki sabay umalis ang na ang lalaki. Napatigil naman si ding at napatingin sa langit, at tila malalim ang iniisip.
          Maraming araw ang lumipas, isang araw nalang bago ang kaarawan ni ding. Hindi na madalas nakakasama ni dong ang kanyang kuya. Kung makasama niya man ito ay sa bahay nalang nila at laging lasing, pero nakakalakal pa rin ito, hindi lang alam ni dong kung saan. Napalayo na ang loob ng kanyang kuya sa kanya sa mga lumipas na araw.Pagkatapos mangalakal ay kumita ng 100 si dong. Napadaan siya sa isang book store, pumasok siya kahit alam niya nakakahiya ang suot niya na na madumi at madugyot niyang katawan na halatang pawisan at di pa naliligo. Pumunta siya sa corner ng mga dictionary. Ilang minuto lang ang nakakalipas ay lumabas na rin siya at tumuloy na siya sa paglalakad pauwi dala ang kariton niya.  Habang naglalakad siya ay maynakita siyang 100 pesos sa daanan. Agad niya itong pinulot at ngumiti siyang dumeretso sa paglalakad at tumigil siya sa paglalakad at tumigil siya sa isang pamilyar na gusali.
"Aling nena, pabili nga po posporo, tsaka pwede po pakibaryo ng yagpipiso yung sukli", sabay abot ni dong sa 50 pesos kay sa tindera ng may ngiti sa labi. "Ang saya mo yata ngayon dong, nakita ko nga pala yung kuya mo nakikipag-inuman kina mang kanor", sabay abot ng posporo sa bata. "ganun po ba, sige po una na po ako', paalam ni dong. 
Alas tres na ng umaga pero wala pa rin ang kanyang kuya ding. Hangang dinalaw na ng antok si dong pagkagising niya ay alas sais na ng umaga , pero wala parin ang kanyang kuya. Agad nalang niya inayos ang dapat ayusin sa araw at oras na iyon masayang lumabas si dong sa kusina nila. Hanggang may kumatok, ang kanyang kuya na lasing pa . Agad siyang hinila nito palabas na parang isang malupit na tao. Sa mga oras na iyon ay di kilala ni dong ang kanyang kuya dahil sa kinikilos nito. Agad siyang binigay ng kuya niya sa isang dalawang lalaki at agad siyang pinasok sa Puting Van, umiyak ng umiyak si dong dahil di niya alam na magagawa ito ng kanyang kuya. Hindi na makasigaw si dong dahil may tali na nakatakip sa knyang bibig at di naman siya makagalaw dahi may tali na rin ang kanyang paa at kamay. Ang nagawa niya nalang ay umiyak at gumalaw na parang isang baboy na kakatayin. hanngang naramdaman niya na umandar na ang Van.
Agad na pumasok si Ding sa kanilang bahay na tila walang pag-sisisi sa ginawa, pumunta siya agad sa kusina at nagulat siya sa kanyang nakita. Isang Chocolate cake ang nakalagay sa kanilang lamesa at may kandila sa taas nito at may mga baryang tagpipiso na binuo rin sa taas ng lamesa ang katagang"hapi b-day", na gawa sa baryang pinagsama-sama. Naiyak si Ding sa kanyang nakita , tumulo ang maraming luha sa kanyang mga mata. isang tanong ang sumagi sa kanyang isip, ang tanong na "bakit?". Bukod sa cake at at mga barya ay may nakita siyang sulat na lalong nagpaluha at nagpanginig sa kanyang buong katauhan, at nagpakonsensiya sa kanyang sarili. Isang sulat na naglalaman ng:
kuya kung wala man ako ngayon , nasa kalsada na ako nito at naghahanap ng kalakal sana kuya magustuhan mo ang regalo ko sayo.
 KUYA HAPPY BIRTHDAY PO
IKAW PO ANG DA BEST KUYA SA BUONG MUNDO.
 MAHAL NA MAHAL PO KITA.

(KARUGTONG SA LIKOD)

        Agad na pinunta ni ding sa likod na parte ng liham ang kanyang paningin na nagpahina ng kanyang kalooban, na may nakasulat na: 

kuya alam ko na po sagot sa tanong niyo. ang tagalog ng cake ay 
KEYK
HAPPY BIRTHDAY ULIT KUYA.







Huwebes, Enero 31, 2013

"EXPERIMENT #1"




          "Mr. Lambitin define, biology !" sigaw ng guro sa natutulog na si Ceidrick. "ay itlog ng ungoy !", gulat at pasigaw na sinabi ni ceidrick. Nagtawanan ang lahat ng kaklase ni ceidrick dahil sa kanyang naging reaksiyon. Galit na nakatingin sa kanya ang kanyang guro, tumayo nalang si ceidrick at humingi ng tawad sa guro. Hindi nalang nagsalita ang kanyang guro bagkus nag-ayos na ito ng gamit nito na pahiwatig na malapit na mag-uwian ang klase. Pagka-ayos ng libro nito ay kumuha ito ng chalk at may isinulat sa black board, Ang nakasulat sa black board ay:

Bring the following tommorow:
1.)knife
2.) Frog
          "dalahin niyo yan bukas para sa experiment # 1 natin sa biology, at ipaserox niyo narin tong experiment guide", utos ng guro at sabay labas sa classroom. Malungkot naman si ceidrick sa nangyari dahil alam niya nadissapoint niya ang guro. Malungkot siyang lumabas sa kanilang klasroom. Agad siyang umuwi sa kanilang bahay, Ramdam parin niya ang antok dulot ng pag-pupuyat niya sa kanyang project sa ART. Matagumpay niya naman itong natapos pero kapalit naman nun ang patalo sa kanya ng antok sa panghapon nilang subject. Pagkatapos maglinis ay agad siyang pumunta sa Bukid, upang maghanap ng palaka. Unang pumunta si ceiddrick sa palayan pero bigo siyang makakakita, Marami siyang tunog na nariringig tunog ng mga palakang halatang nagtatago sa kanya. Lumipat siya sa sapa naghanap pero alimango, pagong at suso lamang ang nahanap niya.
          Pagod, at halatang bigo ang mukha niya dahi sa wala siyang nahanap na palaka.Napadaan siya sa tinatambayan niya nuong bata pa siya. ang isang puno ng santol na nuon ay puno lagi ng bunga pero ngayon ay isa na lamang upuan dahil sa pinutol na ito, natira na lamang ang pinakasimula ng puno na tila sadyang itinira upang ito'y maupuan ng kung sino man napapagod. nang lalapit na siya sa puno ay nagulat siya dahil sa isang buhay na hayop ang ang nandun , dahil sa takot niya napaurong siya. Pero ng may naringig siya tunog na "kokak ! kokak!" biglang napangiti at nawala ang takot niya, ngiti dahil sa nakahanap na siya ng materials para sa experiment niya. Tinitigan niya muna ang palaka, malusog ito at mukhang nakatingin rin sa kanya . agad niya itong kinuha gamit ang dalawa niyang kamay ng walang takot at agad niya itong nilagay sa kanyang maliit na bag.
          Pagka-uwi niya ay nakaluto na rin ang kanyang nanay at tatay , sumaabay na rin siya sa pagkain dito. Nilagay niya muna sa kulungan ng manok na bakante ang palaka. Pagkatapos niyang kumain naligo siya at natulog ng maaga dahil pang-umaga ang klase nila sa biology. Di pa rin makatulog si ceidrick, di niya alam kung anong dahilan. Bumangon nalang siya at Lumabas kahit madilim sa labas ay lumabas siya, sa di niya alam na dahilan may nagtutulak sa kanyang pumunta siya sa sapa. Isang boses ang naringig niya ..."halika sama ka sa akin .. laro tayo" tinig ng isang bata. Takot na takot na si ceidrick sa oras na yun. Basta ang alam niya may bata daw na laging nagpapakita sa mga tao dumadaan dito. Isang bata na duguan ang bibig. Kinilabutan si ceidrick sa idiyang iyon .
          Hanggang ... 'uy!' , isang buhos ng tubig ang gumising sa kanya. Ang nakita niya ay si Martin, kaklase niya ito.Hawak nito ang tabo na ipinambuhos sa kanya. Walang imik si ceidrick umuwi nalang ito sa kanilang bahay, na parang wala sa sarili. Naligo at umalis ng walang paalam si ceidrick sa kanyang mga magulang. Kinuha niya na rin ang kanyang palaka na gagamitin para sa kanilang experimento mamaya. Dahil maaga pa ay naglakad nalang siya patungo sa kanilang paaralan. Halatang puyat si ceidrick dahil sa eyebags nito na nag-iitiman sa palibot ng kanyang mga mata.
          Maaga siyang nakarating sa kanilang paaralan, naupo muna siya sa gilid ng stage , habang hinihintay ang iba niyang mga kaklase para sa Una nilang klase. Hanggang paisa-isa ng dumadating ang mga mag-aaral ng kanilang skul. Bukas na rin ang kanilang classroom at agad naman siyang pumasok at dito nalang naghintay. Saktong alas siyeta ng kumpleto na silang lahat, at hinihintay nalang nila ang kanilang guro. Dumating na rin ang kanilang guro at agad pinakuha ang kanilang mga materyales, agad naman sila nitong pinalipat sa LABORATORY ROOM. Agad kinuha ni ceidrick ang kutsilyo kahit wala pang utos ng guro, umupo siya sa silong ng lamesa. At kinuha na rin ang alaga niyang palaka.
          Nagsimula narin ang lahat sa pag-experiment ang iba nagtatawanan , ang iba naman nandidiri at ang iba ay seryoso sa paghati ng katawan ng palaka. Agad napansin ng guro ang isa niyang studyante na naka-upo lamang, nilapitan niya ito. At sinigawan "Mr. Lambitin ! where's your experiment!". "maam alam niyo po dapat ang mga palaka di PINAG-EEXPERIMENTUHAN kundi dapat KINAKAIN NG BUHAY !!", sabay tapon ng binatilyo sa buto ng palaka na galing sa kanyang bunganga, sa mukha ng GURO.






Miyerkules, Enero 30, 2013

"ARAW NG MGA BULAG"

           "kawawa naman sila noh" .... sambit ni mikaela sa pinsan na si ruel, ng mapanuod nila ang kagimbal-gimbal na aksidente sa isang barko sa karagatan patungo sa samar, na tila ba'y matamlay at di man lang nagsasalita. Pumasok nalang agad ito sa kwarto na umiiyak, iyak na tila nawalan ng syota? .. mahal sa buhay? pera? cellphone? load? hahahahah. Natawa nalang si mikaela sa ideyang iyon. Ganun talaga ang pinsan niya emosyonal at mababa ang luha lalo na sa mga nakakaiyak at madramang palabas.     

          Kinuha ni mikaela ang cp niya na kanina pa palang nakacharge , "oopz 100 message!!!!" gulat na gulat si mikaela ng makita niya iyon, agad niya itong pinambabasa.

+639492156***
hoy, asan kana? dito na kami school
si rhea 2 .... bhest bilis saya ng mga klasmate natin kaw nalang ata kulang hahahah ;p

mahAl koh <3
babe d2 na ko skul niyo asan kana? gusto mu puntahan na kita haus mo?

 rineplayan niya naman agad yung txt ni gino, ang bf niya:
OMG ! oo nga pala reunion pala ng class namin ngayon, my god Sorry babe nawaLa sa isip koH ... wag mu na ko sunduin punta na ko jan. asap
(check operator service)

"shit wala na pala akong load!", sigaw niya. Dahil sa kapus na sa oras di na niya binasa ang ibang message, nagmadali nalang siyang naligo. Pagkatapos niya maligo agad siyang nagbihis at nagpaganda at .... umalis. Agad siyang nag-abang ng masasakyan pero wala man lang humihinto para pasakayin siya. Kaya ang ginawa nalang niya naglakad nalang siya tutal malapit lang naman ang high school alma mater niya dito. Kahit mainit, patuloy parin siya sa pagtakbo hangang makarating siya sa kanilang paaralan. Masaya siya dahil nakarating na siya. Agad siyang pumasok at binati ang Guard na si Richie, "huy musta kuya richie? nice to meet you again long time no see", di siya pinansin nito  at tila seryoso ang mukha. "Ang snub mu naman , che ! sige punta na ko dun sa court kanina pa kasi ko hinihintay ng mga kabatchmate ko", paalis na sabi niya sa guwardiya.

   Madami na nga ang tao sa covercourt kung saan ang usapan nila ... Tahimik ang paligid tila sumasabay sa musika na tumutunog .... "oh guys lets party na !" sigaw niya. Wala man lang umimik sa sinabi niyang yun. "Handa na ba yung sasakayan natin?", tanong ng isang babae sa dumating na lalaki. "oo, baka maya-maya alis na tayo .... Naalala niya si leslie joy yung babae at si Dominic naman ang lalaki na , tila naninibago siya dahil sa ito ang pinamaingay at makulit sa buong klase pero parang tahimik na aso na ito ... "hey dominic, mukhang hagard ka yata ngayon?", umalis agad ito kasama si leslie joy patungo sa labas ng court. "ang weird ..." mahinang sambit niya. Nakita niya ang limang magkakatabi sa upuan , si rovie, joan, vince, ley at bert, Umiiyak ang lima ng lamitan niya. "what's happen guys? may lamay? hearth broken lang?, wag tayo mag-iyakan sa reunion natin kayalangan natin maging masaya", wika niya dito. Tahimik ang buong court Naalala niya pala nandito na ang bf niya at ang bestfriend niyang si rhea. Pero hindi niya ito makita sa buong paligid. Nagulat siya dahil nakita niya si fred, ang dreamboy at #1 CRUSH nia sa skul nila at ang kanyang ........
Unti-unti ng naglabasan ang mga tao sa court, nagtaka naman siya kung saan ang punta ng mga ito. Sumama nalang siya sa mga kaweirduhan na nagaganap. Naisip niya nalang siguro ito ang trip ng mga ito, para sa second venue. Dalawang truck ang nasa labas FISH DEaLER truck, sumakay ang lahat. Sumakay na rin siya, napanatag na ang loob niya , dahil narinig niya kay diego, isa sa mga classmate niya na sa isang isla sa may bayan ang punta nila. Karamihan sa mga nakasakay ay nakatulog na . Nagtataka siya bakit tila mga BULAG ang mga tao ... na kasama niya. "Ang weirdo naman ng araw na ito, araw ng mga BULAG. haizt", antok na sambit niya. Dahil sa pagod nakatulog na rin si mikaela.

Nagising si mikaela sa ingay ng mga yabag ng mga kaklase niya pababa ng truck, siya ang huling bumaba sa truck. Pag-kababa ng truck ng mga studyante naglakad na ito sa tabing dagat, tumaas ang lahat sa may mga bato habang nakatingin sa karagatan sa pag-lubog ng araw maganda ang tanawin. Isang babae ang nakita niyang nariringig niyang umiiyak na papalapit sa kanila, nakita niya ang best friend niya si rhea basang basa na ang mukha nito dahil sa mga luha na umagos, "best anong nangyari sayo", tanong niya dito. Isang kirot sa damdamin niya dahil di siya pinansin ng kanyang kaibigan, at pumunta lang ito sa iba nilang classmate. Nagsimula ng umiyak ang buong klase na kanya namang pinagtataka ... iyak, hagulhol ang kanyang nariringig. Dama niya ang lungkot ng lahat. Biglang nagulat siya dahil nakita niya ng boyfriend niya may dalang bulaklak na kinatuwa niya, yayakapin na sana niya ito pero may luha at patakbo itong pumunta sa grupo na nag-iiyakan. "what happen?", isang taong na naglalaro na sa isip niya. Agad niyang kinuha ang cellphone nia at na-alala niya may remaining 98 message pa pala sa inbox niya. Luha ang tumulo sa mga mata niya ng mabasa niya ang isang txt:


FreD
Rest In Peace bhe in heaven :'(, I love you very much  
D kita malilimutan.

"HuH ???"





+639482526ABC
hai
          Isang bagong unregistered number ang nagtxt kay Janice , Si Janice na hangang ngayon babad pa rin sa kama , dahil sa puyat ito kaka-online at kakatxt. Sabado noon at siya lang tao sa bahay nila. 
Janice
Hu YU ?
Naghintay si janice sa reply sa unknown texter niya ....
hangang .... TooT TooT
(1 message receive)
+639482526ABC
im yours :)
Janice
cNu Ka Bah! curNy moh!
+639482526ABC
heheheh :P
Janice
CnU k N6a PkIlaLa ka nga
+639482526ABC
im yours nga , kaw wkat NASAL mo?
Janice
EwaN q nga Xau !
+639482526ABC
heheh ewan q din sau
Janice
WaG ka Na magTxt d2 !!! hayup ka !! kainis ka
+639482526ABC
k

Janice

tAng*** mo !!! siGuro aYaw mu magpakilala DhL panget ka ! tsonggo!! ulol! Asong Gala!
bleH ...

          Mahigit isang oras naghintay si Janice sa reply ng kanyang katxt, nainis na siya dahil wala man lang itong reply sa kanya. Kaya ang ginawa nalang niya ay tinadtad niya ito ng paulit-ulit na text na naglala,man ng mensaheng
Janice
Put*ng-**a mo !!! hayop !! gago !! ulol!! panget !! mukhang aso !!!
(message 100 times sent)
Napatawa nalang si Janice dahil sa ginawa niya. Agad niyang kinuha ang laptop niya at nag FB agad, 2 notification ang bagong natanggap niya {Joseph Ibrahim like your profile picture}, {Joseph Ibrahim accept your friend request}. Ang laki ng ngiti ni Janice sa nabasa niya dahil inaccept na nga ang friend requst niya,  nilike pa ng kanyang high school crush ang kanyang profile picture sa fb. "OMG sa wakas were friend na in fb", bulong ni janice sa sarili. papunta na sana siya sa profile ng kanyang crush .... Biglang nawala ang connection ng internet niya, expire na pala ang 5 days unli niya sa SMART BRO.
Dahil sa wala na ang networld adventure niya , Bumalik siya sa kama dahil gusto niya ulit matulog , hangang .... TooT TooT (1 message receive)
DoNald bezt
PUNTAH KA BA MAYA SA FOUNDATION DAY CELEBRATION MAYA SA SKUL?
Janice
Di Koh pa Lam best Eh ... Ntmad aku
DoNald bezt
PUNTA KA NA ITO NAMAN ANG KJ, KASAMA NAMAN NATIN SI MARIE EH , PLZ
Janice
GeH na Nga puNta na Q .. Di maKatanGii sayo Bhezt eh Nung oras bah start ?
DoNald bezt
6 pm
Janice
geh ... kita nlang MayAh. Tulog Muna Q antokpa q eh. byeeeee
DoNald bezt

SWEET DREAMS IN THE AFTERNOON ... 2 pm NA AH U ONLY HAVE 4 HOURS BEST GEH!


Oras ang lumipas , 5:45 na ng hapon ng nagising si janice , Pagkalabas niya ay nagluto agad siyang kumain ng tinapay na may palaman na chizwiz, then after naligo na siya. Pagkatapos maligo nag-ayos na siya papuntang school nila. Nagcommute lang si Janice papuntang skul nila, pagkarating niya is madilim na, at madaming tao. Tinext niya na rin ang bestfriend niya agad naman siya nitong pinuntahan. Kasama ni donald ang gf nitong si marie na naging kaibigan na rin ni Janice. At nagulat siya dahil may isa pa itong kasama, pamilyar, gwapo .... at no other description a perfect boy. Biglang kinilig si janice sa mga naisip niya habang tinititigan niya si Joseph. Parang di siya makakakilos sa oras na iyon dahil ang ultimate crush nya ay nasa harapan niya na ngayon.
"Sige seph, kaw na bahala sa best qoh ah", paalam ni donald sa dalawa. "Aong pinagsasabi mo donald", wika naman ni janice na halatang namumula na. Di na siya pinansin ni donald agad itong umalis kasama ang syota na si Marie. "tara Punta tayo dun sa may gazebo", sabi ni joseph , " ah .. eh ... sige" utal na sabi ni Janice. Naupo ang dalawa magkatabi .. walang imikan hangang lumipas ang maraming oras wala paring imikan ang dalawa, hanggang umabot ang uwiian. 
TooT TooT (1 message receive)
DoNald bezt
BEST DI NA KITA MAHAHATID NAUNA NA KAMI NI MARIE, BIGLA KASING SUMAKIT ULO NI MARIE DI NAMAN KITA AGAD NASABIHAN .. XNXIA NA BHEST AH.
            Sa sobrang asar ni Janice di na nireplayan ang kaibigan. "10 pm na pala, bilis noh", basag ni janice sa katahimikan, "oo nga eh, tara hatid na kita ...", wika ni joseph. "Hatid???"-janice , "bakit ayaw mo ba?"-joseph . "Ah gusto ko , tara na", nakangiting sabi niya. "Maganda ka naman pala Pag nakangiti eh"-joseph, "ano"-janice. "wala sabi qoh tara na"- joseph. Hinatid nga ni Joseph si janice gamit ang motorsiklo nito. Masaya naman si janice dahil naka-angkas siya sa motor ng kanyang crush. Halos 12 am na nakarating si Janice sa kanilang bahay.
"sige uwi na rin ako Janice" , paalam ni joseph
"ah sige ... ingat" nakangiting sabi ni Janice.
          Pasakay na sana si Joseph ng motorsiklo ay hinabol ulit siya ni janice "Ahmmm teka lang joseph, pwede ba mahingi cp number mo?"
"Ah sige , akin na phone mo type ko nalang", binigay naman ni janice phone niya.
"yan tapos na save mo nalang ah ... geh alis na ako", at naka-alis na nga si Joseph
Tinignan naman ni Janice ang phone para isave ang # ni Joseph nagulat siya sa nakita niya

09482526ABC

" Huh ??? ...... "