Sa isang maingay na tulay na kalsada sa ilalim nito ay may naninirahang dalawang magkapatid na sina, Ding at Dong ang magkapatid na isang kahig isang tuka ang sistema ng buhay. Kung hindi dahil sa pagkakalakal nila ng mga bote, plastic diyaryo at iba pang mabebeta ay wala silang makakain sa pang araw-araw nila. Hindi na mahalaga sa dalawang magkapatid ang kung anong mga bagay pa tulad ng magkaroon ng mga bagong gamit, magkaroon ng mapaglilibangan tulad ng telebisyon, ang mahalaga lang sa kanila ay magkalakal upang magkaroon ng laman ang kanilang sikmura. Bata pa lang ng mamatay ang magulang ng dalawa, ulilang lubos sila. Pangarap sa buhay ay hindi na sumasagip sa dalawa, Kahit nga pag-aaral ay tinuturing nalang na isang HIMALA. 12, yr. old si dong at ang kuya ding naman nito ay 17 yr. old na. Parehong elementarya lang ang natapos ng dalawa at di na sila nagHAHANGAD pa.
"Kuya sampung araw nalang birthday mo na pu pala", nakangiting sambit ni dong sa tila problemadong kuya. Nakatingin ito sa isang Restaurant na nagtitinda ng mga cake, at bigla itong lumapit sa isang poster promo ng restaurant, ang nakasulat sa poster promo ay:
15 days of deliciousness !
Buy chocolate cakes for 150 pesos ONLY
"huy Kuya !",sabay kalabit nito sa braso ng nakakatandang kapatid. Lumingon naman ito at ngumiti sa kanya at hinawakan ang ulo na kapatid sabay gulo sa buhok ng kapatid, na ikinatuwa naman ni dong. "Tara na nga ", yaya ng ni ding sa bunsong kapatid. Paalis na sila, pero nahalata ni dong na nakatingin parin ang kanyang kuya sa restaurant ng mga cake. "Ao nga sabi mo kanina dong?", tanong ng ni ding sa kapatid , "sabi ko sampung araw nalang birthday muna", sabay tawa ang pilyong si dong, "Anong araw na ba ngayon?" tanong ulit ni ding. "january 26, 2013, kuya", sagot ni dong, "ahm may tanong ako"- ding, "ano yun kuya", tanong ni dong sa kanyang kuya, "Anong tagalog ng CAKE?", sabay isang pilyong ngiti ni ding sa kapatid, "OO nga noh? ano kaya? ... teka iisipin ko pa" - dong. "Wag na bobo ka kasi, hahahahah"-dong. Nag-isip naman si dong sa tanong ng kuya. "tara na hanap na tayo kalakal", at tinulak na rin nito ang dalang kariton, sumunod na rin si dong.
Maraming nakuhang kalakal ang magkapatid, naibenta nila ito ng halos 300 pesos. Bumili ng bigas ang dalawa at agad isinaing nila ito, bumili na rin sila ng dalawang de lata ng sardinas at iginisa na rin nila ito. Pagkatapos mag-luto sabay ng kumain ang dalawa. Gabi na nun at nagpahinga na rin sila pagkatapos kumain, naligo at muna si dong bago natulog. Naabutan ni Ding ang kapatid na nakahiga na rin sa munti nilang bahay sa ilalim ng tulay. Habang tinititignan niya ang bunsong kapatid ay may konting luha na rin ang nanggigilid sa kanyang mga mata. Di rin niya napigilan mapaluha sa awa na nadadama niya sa kanyang kapatid dahil di nito ma-enjoy ang buhay bilang isang bata. Iniwan na muna ni Ding ang kapatid lumabas na muna siya sa labas upang magmuni-muni. Isang grupo ang kanyang nakita may kinuha itong bata at isinakay sa isang puting Van, iyak ng iyak ang batang babae, habang tinatawag nito ang pangalan ng kanyang kuya. Pagka-alis ng Van ay nakita na lamang niya ang isang lalaki na Umiiyak. Nilapitan niya ito, at tinanong niya ng: "Bakit mo yun ginawa?", "madali lang ang sagot diyan, para magkapera", sagot ng lalaki sabay umalis ang na ang lalaki. Napatigil naman si ding at napatingin sa langit, at tila malalim ang iniisip.
Maraming araw ang lumipas, isang araw nalang bago ang kaarawan ni ding. Hindi na madalas nakakasama ni dong ang kanyang kuya. Kung makasama niya man ito ay sa bahay nalang nila at laging lasing, pero nakakalakal pa rin ito, hindi lang alam ni dong kung saan. Napalayo na ang loob ng kanyang kuya sa kanya sa mga lumipas na araw.Pagkatapos mangalakal ay kumita ng 100 si dong. Napadaan siya sa isang book store, pumasok siya kahit alam niya nakakahiya ang suot niya na na madumi at madugyot niyang katawan na halatang pawisan at di pa naliligo. Pumunta siya sa corner ng mga dictionary. Ilang minuto lang ang nakakalipas ay lumabas na rin siya at tumuloy na siya sa paglalakad pauwi dala ang kariton niya. Habang naglalakad siya ay maynakita siyang 100 pesos sa daanan. Agad niya itong pinulot at ngumiti siyang dumeretso sa paglalakad at tumigil siya sa paglalakad at tumigil siya sa isang pamilyar na gusali.
"Aling nena, pabili nga po posporo, tsaka pwede po pakibaryo ng yagpipiso yung sukli", sabay abot ni dong sa 50 pesos kay sa tindera ng may ngiti sa labi. "Ang saya mo yata ngayon dong, nakita ko nga pala yung kuya mo nakikipag-inuman kina mang kanor", sabay abot ng posporo sa bata. "ganun po ba, sige po una na po ako', paalam ni dong.
Alas tres na ng umaga pero wala pa rin ang kanyang kuya ding. Hangang dinalaw na ng antok si dong pagkagising niya ay alas sais na ng umaga , pero wala parin ang kanyang kuya. Agad nalang niya inayos ang dapat ayusin sa araw at oras na iyon masayang lumabas si dong sa kusina nila. Hanggang may kumatok, ang kanyang kuya na lasing pa . Agad siyang hinila nito palabas na parang isang malupit na tao. Sa mga oras na iyon ay di kilala ni dong ang kanyang kuya dahil sa kinikilos nito. Agad siyang binigay ng kuya niya sa isang dalawang lalaki at agad siyang pinasok sa Puting Van, umiyak ng umiyak si dong dahil di niya alam na magagawa ito ng kanyang kuya. Hindi na makasigaw si dong dahil may tali na nakatakip sa knyang bibig at di naman siya makagalaw dahi may tali na rin ang kanyang paa at kamay. Ang nagawa niya nalang ay umiyak at gumalaw na parang isang baboy na kakatayin. hanngang naramdaman niya na umandar na ang Van.
Agad na pumasok si Ding sa kanilang bahay na tila walang pag-sisisi sa ginawa, pumunta siya agad sa kusina at nagulat siya sa kanyang nakita. Isang Chocolate cake ang nakalagay sa kanilang lamesa at may kandila sa taas nito at may mga baryang tagpipiso na binuo rin sa taas ng lamesa ang katagang"hapi b-day", na gawa sa baryang pinagsama-sama. Naiyak si Ding sa kanyang nakita , tumulo ang maraming luha sa kanyang mga mata. isang tanong ang sumagi sa kanyang isip, ang tanong na "bakit?". Bukod sa cake at at mga barya ay may nakita siyang sulat na lalong nagpaluha at nagpanginig sa kanyang buong katauhan, at nagpakonsensiya sa kanyang sarili. Isang sulat na naglalaman ng:
kuya kung wala man ako ngayon , nasa kalsada na ako nito at naghahanap ng kalakal sana kuya magustuhan mo ang regalo ko sayo.
KUYA HAPPY BIRTHDAY PO
IKAW PO ANG DA BEST KUYA SA BUONG MUNDO.
MAHAL NA MAHAL PO KITA.
(KARUGTONG SA LIKOD)
Agad na pinunta ni ding sa likod na parte ng liham ang kanyang paningin na nagpahina ng kanyang kalooban, na may nakasulat na:
kuya alam ko na po sagot sa tanong niyo. ang tagalog ng cake ay
KEYK
HAPPY BIRTHDAY ULIT KUYA.
.jpg)
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento