Pages

Miyerkules, Enero 30, 2013

"ARAW NG MGA BULAG"

           "kawawa naman sila noh" .... sambit ni mikaela sa pinsan na si ruel, ng mapanuod nila ang kagimbal-gimbal na aksidente sa isang barko sa karagatan patungo sa samar, na tila ba'y matamlay at di man lang nagsasalita. Pumasok nalang agad ito sa kwarto na umiiyak, iyak na tila nawalan ng syota? .. mahal sa buhay? pera? cellphone? load? hahahahah. Natawa nalang si mikaela sa ideyang iyon. Ganun talaga ang pinsan niya emosyonal at mababa ang luha lalo na sa mga nakakaiyak at madramang palabas.     

          Kinuha ni mikaela ang cp niya na kanina pa palang nakacharge , "oopz 100 message!!!!" gulat na gulat si mikaela ng makita niya iyon, agad niya itong pinambabasa.

+639492156***
hoy, asan kana? dito na kami school
si rhea 2 .... bhest bilis saya ng mga klasmate natin kaw nalang ata kulang hahahah ;p

mahAl koh <3
babe d2 na ko skul niyo asan kana? gusto mu puntahan na kita haus mo?

 rineplayan niya naman agad yung txt ni gino, ang bf niya:
OMG ! oo nga pala reunion pala ng class namin ngayon, my god Sorry babe nawaLa sa isip koH ... wag mu na ko sunduin punta na ko jan. asap
(check operator service)

"shit wala na pala akong load!", sigaw niya. Dahil sa kapus na sa oras di na niya binasa ang ibang message, nagmadali nalang siyang naligo. Pagkatapos niya maligo agad siyang nagbihis at nagpaganda at .... umalis. Agad siyang nag-abang ng masasakyan pero wala man lang humihinto para pasakayin siya. Kaya ang ginawa nalang niya naglakad nalang siya tutal malapit lang naman ang high school alma mater niya dito. Kahit mainit, patuloy parin siya sa pagtakbo hangang makarating siya sa kanilang paaralan. Masaya siya dahil nakarating na siya. Agad siyang pumasok at binati ang Guard na si Richie, "huy musta kuya richie? nice to meet you again long time no see", di siya pinansin nito  at tila seryoso ang mukha. "Ang snub mu naman , che ! sige punta na ko dun sa court kanina pa kasi ko hinihintay ng mga kabatchmate ko", paalis na sabi niya sa guwardiya.

   Madami na nga ang tao sa covercourt kung saan ang usapan nila ... Tahimik ang paligid tila sumasabay sa musika na tumutunog .... "oh guys lets party na !" sigaw niya. Wala man lang umimik sa sinabi niyang yun. "Handa na ba yung sasakayan natin?", tanong ng isang babae sa dumating na lalaki. "oo, baka maya-maya alis na tayo .... Naalala niya si leslie joy yung babae at si Dominic naman ang lalaki na , tila naninibago siya dahil sa ito ang pinamaingay at makulit sa buong klase pero parang tahimik na aso na ito ... "hey dominic, mukhang hagard ka yata ngayon?", umalis agad ito kasama si leslie joy patungo sa labas ng court. "ang weird ..." mahinang sambit niya. Nakita niya ang limang magkakatabi sa upuan , si rovie, joan, vince, ley at bert, Umiiyak ang lima ng lamitan niya. "what's happen guys? may lamay? hearth broken lang?, wag tayo mag-iyakan sa reunion natin kayalangan natin maging masaya", wika niya dito. Tahimik ang buong court Naalala niya pala nandito na ang bf niya at ang bestfriend niyang si rhea. Pero hindi niya ito makita sa buong paligid. Nagulat siya dahil nakita niya si fred, ang dreamboy at #1 CRUSH nia sa skul nila at ang kanyang ........
Unti-unti ng naglabasan ang mga tao sa court, nagtaka naman siya kung saan ang punta ng mga ito. Sumama nalang siya sa mga kaweirduhan na nagaganap. Naisip niya nalang siguro ito ang trip ng mga ito, para sa second venue. Dalawang truck ang nasa labas FISH DEaLER truck, sumakay ang lahat. Sumakay na rin siya, napanatag na ang loob niya , dahil narinig niya kay diego, isa sa mga classmate niya na sa isang isla sa may bayan ang punta nila. Karamihan sa mga nakasakay ay nakatulog na . Nagtataka siya bakit tila mga BULAG ang mga tao ... na kasama niya. "Ang weirdo naman ng araw na ito, araw ng mga BULAG. haizt", antok na sambit niya. Dahil sa pagod nakatulog na rin si mikaela.

Nagising si mikaela sa ingay ng mga yabag ng mga kaklase niya pababa ng truck, siya ang huling bumaba sa truck. Pag-kababa ng truck ng mga studyante naglakad na ito sa tabing dagat, tumaas ang lahat sa may mga bato habang nakatingin sa karagatan sa pag-lubog ng araw maganda ang tanawin. Isang babae ang nakita niyang nariringig niyang umiiyak na papalapit sa kanila, nakita niya ang best friend niya si rhea basang basa na ang mukha nito dahil sa mga luha na umagos, "best anong nangyari sayo", tanong niya dito. Isang kirot sa damdamin niya dahil di siya pinansin ng kanyang kaibigan, at pumunta lang ito sa iba nilang classmate. Nagsimula ng umiyak ang buong klase na kanya namang pinagtataka ... iyak, hagulhol ang kanyang nariringig. Dama niya ang lungkot ng lahat. Biglang nagulat siya dahil nakita niya ng boyfriend niya may dalang bulaklak na kinatuwa niya, yayakapin na sana niya ito pero may luha at patakbo itong pumunta sa grupo na nag-iiyakan. "what happen?", isang taong na naglalaro na sa isip niya. Agad niyang kinuha ang cellphone nia at na-alala niya may remaining 98 message pa pala sa inbox niya. Luha ang tumulo sa mga mata niya ng mabasa niya ang isang txt:


FreD
Rest In Peace bhe in heaven :'(, I love you very much  
D kita malilimutan.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento