Pages

Biyernes, Enero 25, 2013

"ANG ITIM KONG KAIBIGAN"



              Maaga akong pumunta noon sa aming paaralan 4:30 am palang ata noon sa aking orasan. Di ko alintana ang takot sa madalim na daanan ang alam ko wala pa si Nino ang aking kaibigan.Malungkot ako dahil di ko siya kasama, si Nino ang matalik kong kaibigan siya lagi ang nagpapasaya sa akin pag ako'y may pinagdadaanan. 6:00 am na nakikita ko na si Nino parating na siya at di alintana ang saya sa kanyang mukha, "oh nino bakit malungkot ka?" tanong ko sa kanya, walang sagot si nino kundi naglakad nalang siya kasabay ko. Flag ceremony na ng ako'y dumating sa aking paaralan paano ba naman si nino lagi akong tinataguan tuwing nasa kakahuyan kami ako'y akoy kanyang pinaglalaruan bigla nalang siya nawawala at bigla nalang susulpot pag akoy naglalakad na. Pagkatapos ng flag ceremony simula na ng Klase , Pagpasok ko sa klasrum ako'y umupo agad. Di ko alintana wala nanaman si Nino sa aking tabi, 'asan nanaman kaya siya?' tanong ko sa aking sarili pumunta ako sa pintuan upang hanapin siya pero wala akong nino na makita. Hindi ko naman masisisi si nino kasi di ko nga alam kung anong grade na siya, ilan taon na siya, at anong klasrum niya pati nga pangalan niya ako pa nag'bigay kasi napakatahimik na tao ni Nino, parang pipi ni isang salita wala kang mariringig..
kring ..! kring..! tunog ng skul bell, ibig sabihin recess time na mabilis akong lumabas hinanap ko agad si nino nakita ko naman siya at ako'y ngumiti sa kanya "kaw talaga nino bigla ka nalang nawawala, next time magpapalam ka naman nakakatampo na kaya" sabi ko sa kanya, wala naman sagot si Nino siguro nga may pinagdadaanan siya, niyaya ko nalang siya na pumunta na kaming skul canteen ang init kasi sa pinagpepwestuhan namin. Lumakad na kami patungo sa canteen , "ano gusto mong kainin Nino? Libre kita" alok ko kay nino. Di man lang siya sumagot, pagdating namin sa canteen wala na nanaman si Nino, iniwan nanaman ako. May pagtatampo ako kay nino sa oras na yun kasi ako na nga nagmamabuting tao sa kanya, siya pa tong mukhang umi-iwas sa akin balak ko pa naman sana ilibre siya ng Gatas upang pumuti naman siya, Ang itim niya kaya parang kapre sa dilim , tumatawa ako sa aking isip habang iniisip ko yun. Bumili nalang ako ng Mais at umupo sa upuan, naiingit ako sa ibang mag-aaral dahil masaya silang nagmemerienda kasama ang kanilang mga kaibigan pero ako, iniwan ako ni nino. Malungkot akong lumabas ng canteen. Naglalakad ako patungo sa klas rum na nararamdaman ko na may taong sumusunod sa akin, paglingon ko si Nino pala. Di ko nalang pinansin si nino galit ako sa kanya kung walang pansinan di wag di ko siya pinipilit. Nasa likod ko parin siya kiahit di ko siya pinapansin "umalis ka na!" sigaw ko sa kanya. Biglang napatingin yung mga tao na halos kasabay ko sa paglalakad at nagtawanan sila ng sabay sabay, malakas na pagtawa na parang may halong pandidiri at pang-iinsulto sa akin. Napatigil ako sa gitna ng skul court di ko na alintana ang init ng araw, ringig ko parin ang tawanan ng ibang mga mag-aaral liningon ko si Nino andun parin siya walang paki-alam at parang di man lang naawa sa akin at mukhang masaya pa siyang napahiya ako. Tumulo ng konti ang luha ko sa oras na iyon iba ang nadarama ko pakiramdam na parang tinatakwil ka na ng matalik mong kaibigan. muli ko siyang nilingon at sinigawan ko siya "ayoko ko na sayo KAPRENG NEGRO!!!!!! wag na wag ka ng magpakita sa akin!!!!" at sabay takbo ako papunta sa klasrum.
Umiiyak ako pumasok sa klasroom , "ayos ka lang ba miko?" tanong ng aking guro. "Masama po kasi pakiramdam ko maa'm" sagot ko sa aking guro , "ah ganun ba, sige uwi ka na muna at iexcuse nalang kita sa mga susunod mong subject" sabi sa akin ni ma'm. Masaya ko pero may halong guilty sa sarili dahil nag-sinungaling ako, sa rason na gusto ko lang mapag-isa. Paglabas ko ng klasrum mabilis akong naglakad palabas ng iskul, napatigil ako sa bayabasan nais ko kasing kunin  ang mga bunga na sa tingin ko ay hinog na at pwede ko narin ibenta. Umakyat ako at pinagkukuha ko ang mga bunga may mga kumpol na puro hinog at may iba naman pa-isa isa pero ang mahalaga marami akong nakuha. Nilagay ko sa aking bag ang aking mga nakuha, kumuha ko ng limang piraso para kainin ko habang ako ay nag-lalakad. Habang naglalakad ako napapansin ko na may sumusunod sa akin, ng ako ay lumingon nakita ko si Nino, tinitigan ko siya ng masama. Humarap nalang ako uli at pinagpatuloy ko ang aking paglalakad , hangang nararamdaman ko na tumatabi na siya sa akin. Di ko siya pinapansin , subalit pinagsalitaan ko nalang siya ng masama "ano ngayon lalapit lapit kana sa akin dahil may bayabas ako, ganyan ka naman eh nakaka-alala ka lang kung may kailangan ka wala akong paki-alam sayo lumayo layo ka nga sa akin di ko kaylangan ng taong ikinkahiya at di ako kayang ipagtanggol!" lumakad lang ako hangang nasa tabi na kami ng ako ng ilog pero kaylangan ko pang tumaas upang makapunta ako sa shorcut na daanan, nakakatakot lang kasi dahil magkamali ka lang sa pag-akyat mahuhulog ka sa napakalalim na ilog. Pataas na ako ng nakita ko si nino sa aking tabi sumasbay siya sa akin, sa sobrang inis ko binilisan ko pero di parin epektibo andito parin siya sinasabayan ako na tila ba ng iinsulto. Hangang tinulak ko siya, sabay ng paglakas ng hangin at pag-dilim ng kalangitan mukhang may malakas na ulan. Nagulat ako dahil biglang may malaking bato na nahulog sa ilog at na-aalala ko si nino na natulak ko , wala na si nino sa likuran ko kahit sa tabi ko wala na siya. Natakot na ako dahil ang dilim na at ang lakas ng hangin parang babagsak na ang isang bagyo. umiiyak na ako dahil wala na si nino na sinipa ko kanina, bumaba ako muli at hinanap ko siya. "nino! nino!" pa-ulit ulit na tawag ko sa pangalan niya naalalako ko ang batong nahulog panu kung nakasabay duon si niko. hindi ko alam gagawin ko ang alam ko kaylangan ko iligtas si nino sa ilog dahil panigurado nakasabay siya sa batong nahulog. Puno ng ng luha at kaba ang aking mukaha hangang lumakas ang hangin at bumagsak na ang ulan. At biglang kumidlat at natamaan ang puno malapit sa akin , nagulat ako at nakita ko na babagsak na ang puno sa akin. Nagulat ako dahil papalapit na ang malaking puno sa akin at mababagsakan na ako .... AAaaaaaHHHHhhhhhhhhhHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!tulong !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
"yun ang huling na-alala ko po" ang sagot ni Miko sa kanyang nanay. Naluluha ang kanyang nanay habang nakikinig sa kanyang kwento .... 4 na buwan kasing naCOMATOSE si Miko dahil sa pagkakabagsak sa kanya ng puno, natagpuan siya ng mga tao na lumilikas at iniwan siya sa hospital ng mga ito at nalaman nalang ng mga magulang niya dalawang araw ang lumipas ng ibalita sa mga telebisyon ang larawan ng isang bata na nacomatose at si miko nga ang batang iyon. "Paumanhin po .... Misis may sasabihin lang po sana  ako" sabat ng doktor sa nanay ni miko. "ano pu yun dok?", sabi ng nanay ni miko. "ahh ayos na po ang anak niyo pwede niyo na pu siya ilabas" sabi ng doktor. Masaya ang nanay ni miko ng malaman ang balita inayos na nito ang gamit ng anak at hinanda na upang umuwi. Sinabi na rin nito sa anak na aalis na sila, masaya na rin naman si miko dahil miss na niya ang kanyang mga kapatid at mga kaibigan nito.
Pagkalabas nila sa hospital , nanibago si miko, tumakbo agad ito kahit mainit ang paligid dahil sa araw , tumakbo rin ang kanyang nanay upang sundan siya at biglang napatigil si miko at gulat na yumuko sa kanyang baba at sabay sabing "NINO??????". Habang nakatingin siya sa kanyang anino.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento