+639482526ABC
hai
Isang bagong unregistered number ang nagtxt kay Janice , Si Janice na hangang ngayon babad pa rin sa kama , dahil sa puyat ito kaka-online at kakatxt. Sabado noon at siya lang tao sa bahay nila.
Janice
Hu YU ?
Naghintay si janice sa reply sa unknown texter niya ....
hangang .... TooT TooT
(1 message receive)
+639482526ABC
im yours :)
Janice
cNu Ka Bah! curNy moh!
+639482526ABC
heheheh :P
Janice
CnU k N6a PkIlaLa ka nga
+639482526ABC
im yours nga , kaw wkat NASAL mo?
Janice
EwaN q nga Xau !
+639482526ABC
heheh ewan q din sau
Janice
WaG ka Na magTxt d2 !!! hayup ka !! kainis ka
+639482526ABC
k
Janice
tAng*** mo !!! siGuro aYaw mu magpakilala DhL panget ka ! tsonggo!! ulol! Asong Gala!
bleH ...
Mahigit isang oras naghintay si Janice sa reply ng kanyang katxt, nainis na siya dahil wala man lang itong reply sa kanya. Kaya ang ginawa nalang niya ay tinadtad niya ito ng paulit-ulit na text na naglala,man ng mensaheng
Janice
Put*ng-**a mo !!! hayop !! gago !! ulol!! panget !! mukhang aso !!!
(message 100 times sent)
Napatawa nalang si Janice dahil sa ginawa niya. Agad niyang kinuha ang laptop niya at nag FB agad, 2 notification ang bagong natanggap niya {Joseph Ibrahim like your profile picture}, {Joseph Ibrahim accept your friend request}. Ang laki ng ngiti ni Janice sa nabasa niya dahil inaccept na nga ang friend requst niya, nilike pa ng kanyang high school crush ang kanyang profile picture sa fb. "OMG sa wakas were friend na in fb", bulong ni janice sa sarili. papunta na sana siya sa profile ng kanyang crush .... Biglang nawala ang connection ng internet niya, expire na pala ang 5 days unli niya sa SMART BRO.
Dahil sa wala na ang networld adventure niya , Bumalik siya sa kama dahil gusto niya ulit matulog , hangang .... TooT TooT (1 message receive)
DoNald bezt
PUNTAH KA BA MAYA SA FOUNDATION DAY CELEBRATION MAYA SA SKUL?
Janice
Di Koh pa Lam best Eh ... Ntmad aku
DoNald bezt
PUNTA KA NA ITO NAMAN ANG KJ, KASAMA NAMAN NATIN SI MARIE EH , PLZ
Janice
GeH na Nga puNta na Q .. Di maKatanGii sayo Bhezt eh Nung oras bah start ?
DoNald bezt
6 pm
Janice
geh ... kita nlang MayAh. Tulog Muna Q antokpa q eh. byeeeee
DoNald bezt
SWEET DREAMS IN THE AFTERNOON ... 2 pm NA AH U ONLY HAVE 4 HOURS BEST GEH!
Oras ang lumipas , 5:45 na ng hapon ng nagising si janice , Pagkalabas niya ay nagluto agad siyang kumain ng tinapay na may palaman na chizwiz, then after naligo na siya. Pagkatapos maligo nag-ayos na siya papuntang school nila. Nagcommute lang si Janice papuntang skul nila, pagkarating niya is madilim na, at madaming tao. Tinext niya na rin ang bestfriend niya agad naman siya nitong pinuntahan. Kasama ni donald ang gf nitong si marie na naging kaibigan na rin ni Janice. At nagulat siya dahil may isa pa itong kasama, pamilyar, gwapo .... at no other description a perfect boy. Biglang kinilig si janice sa mga naisip niya habang tinititigan niya si Joseph. Parang di siya makakakilos sa oras na iyon dahil ang ultimate crush nya ay nasa harapan niya na ngayon.
"Sige seph, kaw na bahala sa best qoh ah", paalam ni donald sa dalawa. "Aong pinagsasabi mo donald", wika naman ni janice na halatang namumula na. Di na siya pinansin ni donald agad itong umalis kasama ang syota na si Marie. "tara Punta tayo dun sa may gazebo", sabi ni joseph , " ah .. eh ... sige" utal na sabi ni Janice. Naupo ang dalawa magkatabi .. walang imikan hangang lumipas ang maraming oras wala paring imikan ang dalawa, hanggang umabot ang uwiian.
TooT TooT (1 message receive)
DoNald bezt
BEST DI NA KITA MAHAHATID NAUNA NA KAMI NI MARIE, BIGLA KASING SUMAKIT ULO NI MARIE DI NAMAN KITA AGAD NASABIHAN .. XNXIA NA BHEST AH.
Sa sobrang asar ni Janice di na nireplayan ang kaibigan. "10 pm na pala, bilis noh", basag ni janice sa katahimikan, "oo nga eh, tara hatid na kita ...", wika ni joseph. "Hatid???"-janice , "bakit ayaw mo ba?"-joseph . "Ah gusto ko , tara na", nakangiting sabi niya. "Maganda ka naman pala Pag nakangiti eh"-joseph, "ano"-janice. "wala sabi qoh tara na"- joseph. Hinatid nga ni Joseph si janice gamit ang motorsiklo nito. Masaya naman si janice dahil naka-angkas siya sa motor ng kanyang crush. Halos 12 am na nakarating si Janice sa kanilang bahay.
"sige uwi na rin ako Janice" , paalam ni joseph
"ah sige ... ingat" nakangiting sabi ni Janice.
Pasakay na sana si Joseph ng motorsiklo ay hinabol ulit siya ni janice "Ahmmm teka lang joseph, pwede ba mahingi cp number mo?"
"Ah sige , akin na phone mo type ko nalang", binigay naman ni janice phone niya.
"yan tapos na save mo nalang ah ... geh alis na ako", at naka-alis na nga si Joseph
Tinignan naman ni Janice ang phone para isave ang # ni Joseph nagulat siya sa nakita niya
09482526ABC
" Huh ??? ...... "
.jpg)
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento