Pages

Miyerkules, Enero 30, 2013

"KWENTOBIOGRAPHY"

 

 toot toot ...
          Nagising si Ricky dahil sa tunog ng phone agad niya itong kinuha , may isang message mula kay dara ang isa sa studyante sa kanyang tinuturuan niyang paaralan. 4th year high school na si dara ito ang siga sa buong campus na kinatatakutan ng buong mga studyante.

sir ... ok na nalinis q nah yung dumi (unang txt ni dara)
ok salamat .. panu yung kambal? (reply niya)
la problem dun sir mga kaibigan q yun kaya walang aberya (dara)
mamatz ulit paxuk kana at l8 kna namn HEhehe (ricky)
hehe (dara)
          
Agad na bumangon na si ricky at nagmadaling maligo dahil malelate na siya sa bago niyang klase. Binigyan kasi siya ng ng dagdag na tuturuan nagleave kasi yung isang guro na buntis kaylangan na daw nito magpahinga at mag-relax muna , kaya siya ang ipinalit para magturo sa section 2-C. Filipino ang kanyang ituturo sa mga studyante. Pagkatapos maligo nagmadali na siyang nagbihis at di na lang siya kumain dahil mahuhuli na talaga siya nagbaon nalang siya ng mga crackers na pinamili niya.
         "Good morning Sir Ricky", bati ng studyante ng 2-C, natuwa naman siya dahil mababait naman ang mga mag-aaral na iniwan sa kanya ni Mrs. tanyag."Ok class our subject is Filipino 2",wika ni Ricky sa mga mag-aaral. Isa-isa nagpakilala ang mga studyante sa kanya halos lahat ay mababait at palangiti maliban lang sa isa, na ang weird na nga ng pagkatao ang weird din ng pangalan, nagulat nga si Ricky ng maringig nito ang pangalan dito "Aisle Keil Yu" ang pangalan nito ayun sa mga studyante half chinese daw si aisle. Weird nga lang daw ito minsan at alone daw lagi gusto daw lagi mapag-isa. Una natawa si ricky dahil sa pangalan niya pero paglaon parang nahiwagaan siya sa bata. Kaya para mas makilala niya ito gumawa ng paraan si Ricky. "Ok class para mas makilala ko kayo may ipapagawa ako sa inyong assignment para bukas , gagawa kayo ng KWENTOBIOGRAPHY", nakangiting sabi ni Ricky. "Sir ano po yung KWENTOBIOGRAPHY?", tanong ng isang studyante. "Magandang tanong yan , ang KWENTOBIOGRAPHY is isang paglalahad ng inyong autobiography gamit ang format ng kwento may tittle rin ito at gusto ko andito lahat ng elemento ng kwento kahit anong type ang gawin niyo horror, suspense, love, comedy o anu pa man yan, ok na ba class?", paliwanag ni Ricky. "yes sir!" masayang sagot ng mga estudyante. "ok dismiss" nakangiting sabi ni ricky. Nakangiti si Ricky sa mga studyante habang palabas ito ng class room niya, at napansin niya si aisle na nakatingin sa kanya, masamang tingin , mga matang nanlilisik at gustong pumatay. Iniwas nalang niya nag paningin niya sa bata. Bag!!!! malakas na kalabog ang gumulat kay ricky kalabog dahil sa pinto sino naman kaya may gawa nun, wala namang hangin. naisip niya agad si aisle "si aisle kaya ang may gawa?", tanong ni ricky sa sarili. Hangang sa pag-uwi ni ricky di niya pa rin malimutan si aisle bakit kaya ganun nalang ang turing sa kanya ng bata.
          Di makatulog si Ricky may kung anong nararamdaman siyang tumitingin sa kanya, di maiwasan kilabutan si ricky dahil napakatahimik ng paligid sa kanyang kwarto at lalong nagpatakot sa kanya ang salamin na sa harapan ng kana niya mismo. Sinulid sa talim ang ang nararamdaman niya sa nagtatayuan niyang balahibo. Sa takot ni Ricky ikinumot niya ang malawak at makapal niyang kumot at sabay lagay niya ng headset sa tenga niya dun napalagay na siya , kahit mainit tiniis yun ni ricky hangang nagulat siya lowbat na ang kanyang phone. Walang nagawa si Ricky kundi hintayin dalawin siya ng antok.Muling kinalibutan si ricky dahil kahit nakakumot siya aninag niya parin ang paligid dahil sa munding lamp shade niya, may nakita siyang anino ng isang bata na tila nakatayo sa harapan pumikit nalang si ricky para di makita ang anino na malinaw namalinaw na nakita niya na isang anino ng bata. oras ang lumipas dinalaw na rin si ricky ng antok. Alas tres na ng dinalaw ng antok si ricky.

kringgggggggggggg !!! kringgggggggg!!!
          Malakas at paulit ulit na tunog ng alarm clock niya, agad siyang bumangon at di na nagpapatumpik-tumpik at naligo na siya dahil kaylangan niya pumasok ng maaga dahil marami pa siyang aasikasuhin. Di na siya nakapag-almusal dahil sa kakamadali , nagtaka naman siya dun sa alarm clock niya dahil sinet niya yun ng 5:00 am pero tumunog ng 7:00 am. Puyat na puyat yan ang dekripsyon ng buhay ni ricky sa araw na yun. Isang text ang ang nareceive ni ricky mula kay rojan isa sa mga kaibigan ni dara yung may kakambal na kaibigan niya rin,

sir musta?
ayus lang ako ..
WEh'
oo nga !
sori naman. galit? hahaha tanong ko lang sana bakit pala bigla kayong umalis ni dara nung last gimik natin?? tsaka sinu yung pinuntahan nio?
wala . wala cge maya nalang may klase pa ko.
ok
         
           Kinabahan si ricky sa tanong ng isang kambal wala siayang maisagot tinext niya nalang si dara.
dara bkt dme tnung ni rojan sakin bout dun sa ginawa mo? tsaka sinu nga pala yung basurang nilinis mo want ko sanang malaman. txtback asap.
(message sent)
Biglang may naalala si ricky at bigla siyang kinilabutan .... naalala niyang dead bat pala ang cp niya eh bakit 98% pa ito , bigla nanaman siyang kinilabutan dahil sa pangyayaring iyon. Sa sobrang takot tinago niya ang phone niya sa bag niya. At dali daling pumunta na sa classroom niya.
          "Good morning sir", bulalas sa kanya ng kanyang mga studyante."Good morning din class ", ganti niya ng nakangiti. Umupo na siya sa harapan at nagcheck ng attendance kumpleto naman ang lahat andun din naman si aisle na kanina pa niyang tinitignan na nakayuko simula pa kanina. "Ok class isa isa niyong babasahin ang KWENTOBIOGRAPHY na ginawa niyo". Gumawa ng palabunutan si ricky para fair daw ang recitation na gagawin. Natutuwa siya sa mga bata dahil excited na ang mga itong ibahagi ang kwentobiography na kanilang ginawa. "okay ikaw ang unang magbababasa ng homework mo ....
......
......
....... mr Yu . . . ", gulat na bigkas ni ricky
Tumayo naman agad si aisle at sinimulan ng basahin ang kwentobiography nito:
"AISLE KEIL YU"
(titulo)
Ako nga pala si aisle  .....
.... isang araw pumunta ako sa isang liblib na lugar dahil gusto kong mapag-isa pero sa hindi sinasadyang pagkakataon may nauna na sa akin 4 sila at may ginagawa silang kababalaghan nag-dadrugs sila kitang kita ko yun at nakita rin ako ng isa. Tumakbo ako pero nahabol ako. Pinabugbug niya ako sa isa niyang kasama at umalis siya. Binugbug ako sinaksak,pinukpok, pinagsisipa, at binaboy ako ng hayop na yun. Pagkatapos niyang gawin yun sakin nilagay niya ako sa sako at ramdam kong binitin niya ako at pinagpupukpok. At di ko na natagalan at namatay na ako.
Pero sa pagkamatay kong iyun di ako titigil hanggat di ko pa sila mapatay kilala ko sila ta papatayin ko sila !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Nagulat ang buong klase at lalong gulat si ricky sa nangyari at bigla sumagi sa isip niya ang kwento na ginawa ni aisle
.... drugs? ...
.... apat? ..
... nakakita? ...
... pinabugbug? ....
"hindi kaya ...."
          Nagulat siya ng may nilabas na palakol si aisle at patakbong pumunta sa kanya at hinampas siya, hampas maraming hampas, nagtakbuan na lahat ng mag-aaral at naramdaman niya putol na ang kanyang paa at ang dalawa niyang kamay ... hangang hinampas nito ang kanyang leeg maraming dugo ang tumalsik at nakita niya sa makitab na sahig na tumalsik na ang kayang ulo.
          "Sir!!", nagising si ricky sa sigaw ng kanyang mga studyante, pawisan siya at sabay kinapkap niya ang buong katawan , at ngumiti sita "panaginip lang pala", mahinang sabi niya .... " ok class be ready sa pag-basa ng inyong ginawang KWENTOBIOGRAPHY", utos niya sa klase .... "good morning sir i'm late", bati sa kanya ng isang pamilyar na boses , hindi siya nagkamali si aisle nga yun. gulat na gulat siya nginitian nia lang ito. Kinuha niya nalang ang phone niya at lumabas upang pumuntang c.r. May 1 message lang siya, mula kay 

dara :
sorry sir late repz
AIsle keil yu pla nym nung pinatay ko . bkt po?


0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento