Pages

Linggo, Pebrero 3, 2013

"ANG KWENTO SA LIKOD NG MGA ANINO"



CHOOSE PHILIPPINES!!! yan ang temang isinabuhay ng grupong EL GAMMA PENUMBRA, gamit ang malikhain nilang anino. 
Una nanating nakita ang Vinta mula sa Zamboanga,kilala rin sa mga tawag na lepa-lepa at sakayan ay isang tradisyunal na bangkang matatagpuan sa pulo ng Mindanao. Karaniwan itong ginagawa ng mga Bajau at ng mga Moro tulad ng mga Tausug. Makukulay ang mga banderitas nito na sumisimbolo sa makulay at mayamang kultura at kasaysayan ng mga naninirahan sa Kapuluan ng Sulu. Hanggang sa kasalukuyan, ginagamit pa rin ang mga bangka para sa transportasyon ng mga tao at iba't ibang kagamitan. Kilala ang Zamboanga dahil sa mga ito. Pangalawa naman nating nasilip ang isa sa mga pinagmamalaki ng bicolano , lalo na ng mga taga Donsol Sorsogon dahil dito matatagpuan ang pinakamaraming bilang ng Butanding. Butanding kung saan ito ang nagpapatunay na malinis at mayaman ang karagatan sa Pilipinas. Kung may butanding sa Donsol Sorsogon, ay aba hindi naman magpapatalo ang Tarsier na matatagpuan sa mga kakahuyan ng bohol. Teka lang hindi pa diyan natatapos ang ipinagmamalaki ng mga boholano, meron pa silang sikat na CHOCOLATE HILLS, o ang mga "karamelo", ay isang anyong lupa sa Pilipinas na matatagpuan sa hangganan ng mga lalawigan ng Carmen, Bohol. Ito ay isang tinatawag na "extinct volcano". Kapag dumaan ka sa national road ito ay malinaw na nakikita. Ito ang isa sa magagandang tanawin sa bansa. Ayon sa isang alamat, sinasabing ang mga maliliit na bulubunduking ito ang mga bakas ng mga tulo ng luha ng isang higanteng sawi sa pag-ibig.
Aba siyempre hindi naman magpapatalo ang mga ilokano sa maraming magagandang tanawin at mayayamang tradisyon dito , tulad na lamang ng Bangui Windmill, kalesa ride in Vigan at ang Banaue Rice Terraces. Bangui Windmill  ay bahagi ng NorthWind Bangui Bay Project ng NorthWind Power Development. At kung gusto mo naman maranasan ang ganda ng pagsakay sa isang kalesa ay, wag ng magpatumpik-tumpik pa punta ka ng Vigan. Ang Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe (Ingles: Banaue Rice Terraces) ay mga 2000-taong gulang na mga hagdanang-taniman na nililok sa mga bulubundukin ng Ifugao sa Pilipinas ng mga ninuno ng mga katutubong mamamayanang Batad. Karaniwang tinatawag ito ng mga Pilipino bilang "Ikawalong Kahangahangang Pook sa Mundo".
Hindi ka batang pinoy kung hindi ka pa nakakatikim ng pinoy sorbetes, Ito ang kadalasang hilig ng mga batang pinoy, at pati narin ng mga matatanda, Kadalasan ito ay nakalagay sa cup, cone at minsan naman ay ay ipinapalaman sa MONAY. Sira na ba ang sapatos mo? wag ng magpatumpik-tumpik pa pumunta ka na sa tinaguriang Shoe Capital of the Philippines ang marikina. Kilala ito dahil sa mga matitibay at kakaibang mga sapatos na kanilang ginagawa. Ang harana o serenata ay ang awit o tugtugin na isinasagawa isang gabi mula sa labas ng tahanan ng taong pinararangalan o nililigawan. Karaniwan itong ginagampanan ng isang lalaking manliligaw sa may ibaba ng bintana ng bahay ng kaniyang babaeng nililigawan. Iniaalay niya ang tugtugin at awit para sa kaniyang sinisinta, nang sa gayon mapagwagian niya ang puso ng sinusuyo at iniibig. Karaniwan itong nagaganap sa mga lalawigan. Madalas ding sinasaliwan ng tugtugin mula sa isang gitara ang kumakantang tinig ng lalaking mangingibig. Hindi rin naman magpapatalo ang dalawang sikat na sasakyan sa ating bansa ang tricycle at jeepney. Ito ang kadalasang sinasakyan ng marami sa atin, Dito mo lang to sa pinas ma-eexperience :)
Ipinakita rin sa Video ang isa pa sa pinagmamalaki ng mga bikolano ang MAYON VOLCANO, isang aktibong bulkan na matatagpuan sa albay.Inihahambing ito sa Bundok Fuji ng bansang Hapon dahil sa tila perpekto nitong hugis. Matatagpuan ang Lungsod ng Legazpi ilang kilometro sa timog nito.
Sa pagbaba ng dalawang screen , mas naipakita pa ng grupong el gamma penumbra ang ganda ng pilipinas. Ipinakita nila dito ang tatlong sikat na monumento na halos lahat matatagpuan sa Metro Manila, ang Rizal Monument, Bonifacio Monument at ang people Power Monument. Bawat monumentong iyan ay may mahalagang kahulugan sa pagkahubog ng ating bansang Pilipinas. Ipinakita rin nila ang mga Philippine dance tulad ng Manlalatik, Tinikling at mga sayaw sa Festival tulad ng Panagbenga Festival. Isinaman na rin nila ang Philippine sports tulad ng Luksong baka, Arnis at sepak Takraw. Pati ang pagbabangka sa Puerto Prinsesa Underground River ay di nila pinatos, kasabay ang tila paglabas nito bilang isang grupo ng mangbabangka ang Philippine Dragon Boat Team. Astig diba !!
At di pa diyan nagtatapos pinakita rin nila ang buhay ng isang promdi na nagmula sa probinsya at tumungo sa siyudad upang maranasan ang buhay dito.  Pinakita rin ng El Gamma Penumbra ang Dalawang relihiyon ang Muslim at Katoliko, na ipinapakita kung ano ang way ng pagsamba ng dalawang relihiyon na noon pa ay may alitan.Gusto rin ipahiwatig nila na dapat magkasundo na ang dalawang relihiyon. Peace peace peace :) Sa pagtatapos ng Shadow play ay nakita natin ang KUbo, puno ng Narra at kalabaw.
Sa presentasyon na ito nakita natin na ang pilipinas ay maganda at maganda at  maganda at MAGANDA !



Salamat po sa Video:
Choose Philippines

Sabado, Pebrero 2, 2013

"NASA HULI ANG PAGSISISI"



“Kung hindi ako nagfacebook, sana nakapagreview ako.”
“Kung hindi ko ginawa yun, sana hindi nasira friendship namin.”
“Kung ipinaglaban lang kita, sana tayo pa”
“Kung pinaramdam ko lang sa kanya kung gaano sya kahalaga, sana akin pa din sya.”
“Kung ginawa ko lang ang mga bagay na to nung nabubuhay pa sya, napadami ko sana ang maliligayang oras nya.”
Maliliit na bagay hanggang sa malalaki, maaaring magdulot ng pagsisisi.
Madalas nating marinig ang katagang “Nasa huli ang pagsisisi.”Madalas sabihin pero iilan siguro ang nag-isip at nagtyagang halukayin ang utak para magkaroon ng sagot sa tanong na to. Pero bakit nga ba?
May mga nagsasabing, ang sagwa naman daw kasi kung nasa unahan, di mo pa ginagawa nagsisisi ka na. Oo nga naman, ang galing mong pilosopo. May mga nagsasabi din kasi may konsensya kaya nagsisisi, kasi kung wala malamang hindi magsisisi. May punto nga naman.
Pero para sakin, kaya nasa huli ang pagsisisi ay para maging bukas ang isip at mga mata natin, na hindi natin hawak ang buhay. Hindi natin hawak ang panahon. Hindi natin alam kung kailan babawiin sa atin ang hiram na buhay natin at ng mga mahal natin.Kaya gawin na natin ang magagandang bagay na dapat nating gawin, para sa atin at para sa kapwa natin.
Minsan sa kagustuhan nating mapagbigyan ang sarili, sumusunod na lamang tayo sa mga kagustuhan nito. Totoo nga na ang pinakamahirap kalabanin ay ang iyong sarili.
Minsan sa sobrang pagmamahal natin sa pride, titikisin natin ang mahahalagang tao sa buhay natin. Matinding tikisan na parang pride lang ang meron tayo sa buhay. Na parang siguradong sigurado tayo na magtatagal pa naman tayo sa mundo at pwedeng ipagpabukas na ang paghingi ng paumanhin o ang relasyong dapat ayusin.
Naisip mo na ba minsan bago ka matulog, na pano kung ito na ang huling gabi mo? O ang huling gabi ng taong mahal mo? Paano kung wala ka na at hindi mo nasabi na mahalaga sya, na sorry sa kasalanan mong pinaninindigan mo pa at hindi mo man lang naibigay yung gusto nya na kung tutuusin ay libre naman – atensyon at oras?
Bakit ang daling magpasalamat sa mga kaibigan natin, pero siguro sa magulang natin, iilan ang nakakagawa. Marahil may mga aapela at sasagot ng “Actions speak louder than words.” Sige, pansamantala paniwalaan natin ito. Pero pag nasa harap ka na ng puntod ng taong mahalaga sayo, pupusta ko sasabihin mo din ang katagang “Salamat” at “Mahal” kita”… this time sa kaluluwa.
Pero hindi ko sinasabi na daanin natin sa salita pero kulang naman sa gawa. It goes hand in hand.
Nakakalungkot na kung kailan patay na saka tayo nag-aabot ng tulong at nag-uubos ng oras sa burol. Na posibleng hindi natin nagawa nung mga panahong sila ay nabubuhay pa. Minsan nakakalungkot isipin, pag nakakarinig tayo ng eulogies, na ang magagandang bagay na sinasabi ay hindi na maririnig ng taong nakatakda ng ilibing. It will no longer touch his heart, not even open his eyes, nor save his soul…
Mapapaisip ka kung nasabi nya kaya ang mga bagay na to nung buhay pa yung tao? Nasabi nya bang “Napakabuti mo sa akin at ikaw ang nagbigay ng ilaw sa madilim na landas ko.”
Nayakap kaya ng taong ito ang taong namatay sa mga mga panahong kailangan nya ng masasandalan? Maganda kung nasabi nya. Pero kung hindi, nakakalungot… sayang kasi sana nadagdagan natin ang maliligayang oras nila. Sayang sana mas naging inspirado sya pag nalaman na may mga tao syang napapasaya. Sayang sana naipaalam natin na may silbi ang buhay nila.
Sabi nga ni Abraham Lincoln - “And in the end it is not the years in your life that count, it’s the life in your years.”
Napakahirap magsisi sa huli. Napakahirap ibalik ang mga panahong lumipas na.
Sabi nga nila…
“The bitterest tears shed over graves are for words left unsaid and deeds left undone.”
Kaya kaibigan habang may panahon pa, gawin natin ang mga bagay na magpapaligaya sa kapwa natin. Ang mga bagay na mag-aayos sa mga relasyong nasira natin.



"ANG KWENTO SA PAGPUNTA NI BUDOY SA TUP-T"





                  Gerald Anderson has started work on a TV re-telling of the life story of Sen. Alan Peter Cayetano. The 23-year-old actor will portray the former Taguig-Pateros congressman in an upcoming episode of the long-running drama anthology "Maalaala Mo Kaya". On Wednesday, Anderson started filming for the TV biopic. In a number of scenes, Anderson is seen as Cayetano during his days as a student leader. The character is also seen taking part in a protest against tuition fee increase. Cayetano was a student at De La Salle-Santiago Zobel School and later University of the Philippine in Diliman, before attending law school at Ateneo de Manila University.

                         TANONG: BAKIT SA TUP-T GINANAP YUNG COLLEGE PART NG EPISODE STORY NI ALLAN PETER CAYETANO?
                           SAGOT: KASI KUNG ANG UP AY "UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES" ANG TUP NAMAN AY "TUNAY NA UP".

Biyernes, Pebrero 1, 2013

"ANONG TAGALOG NG CAKE?"



          Sa isang maingay na tulay na kalsada sa ilalim nito ay may naninirahang dalawang magkapatid na sina, Ding at Dong ang magkapatid na isang kahig isang tuka ang sistema ng buhay. Kung hindi dahil sa pagkakalakal nila ng mga bote, plastic diyaryo at iba pang mabebeta ay wala silang makakain sa pang araw-araw nila. Hindi na mahalaga sa dalawang magkapatid ang kung anong mga bagay pa tulad ng magkaroon ng mga bagong gamit, magkaroon ng mapaglilibangan tulad ng telebisyon, ang mahalaga lang sa kanila ay magkalakal upang magkaroon ng laman ang kanilang sikmura. Bata pa lang ng mamatay ang magulang ng dalawa, ulilang lubos sila. Pangarap sa buhay ay hindi na sumasagip sa dalawa, Kahit nga pag-aaral ay tinuturing nalang na isang HIMALA. 12, yr. old si dong at ang kuya ding naman nito ay 17 yr. old na. Parehong elementarya lang ang natapos ng dalawa at di na sila nagHAHANGAD pa.

          "Kuya sampung araw nalang birthday mo na pu pala", nakangiting sambit ni dong sa tila problemadong kuya. Nakatingin ito sa isang Restaurant na nagtitinda ng mga cake, at bigla itong lumapit sa isang poster promo ng restaurant, ang nakasulat sa poster promo ay:
15 days of deliciousness !
Buy chocolate cakes for 150 pesos ONLY
          "huy Kuya !",sabay kalabit nito sa braso ng nakakatandang kapatid. Lumingon naman ito at ngumiti sa kanya at hinawakan ang ulo na kapatid sabay gulo sa buhok ng kapatid, na ikinatuwa naman ni dong. "Tara na nga ", yaya ng ni ding sa bunsong kapatid. Paalis na sila, pero nahalata ni dong na nakatingin parin ang kanyang kuya sa restaurant ng mga cake. "Ao nga sabi mo kanina dong?", tanong ng ni ding sa kapatid , "sabi ko sampung araw nalang birthday muna", sabay tawa ang pilyong si dong, "Anong araw na ba ngayon?" tanong ulit ni ding. "january 26, 2013, kuya", sagot ni dong, "ahm may tanong ako"- ding, "ano yun kuya", tanong ni dong sa kanyang kuya, "Anong tagalog ng CAKE?", sabay isang pilyong ngiti ni ding sa kapatid, "OO nga noh? ano kaya? ... teka iisipin ko pa" - dong. "Wag na bobo ka kasi, hahahahah"-dong. Nag-isip naman si dong sa tanong ng kuya. "tara na hanap na tayo kalakal", at tinulak na rin  nito ang dalang kariton, sumunod na rin si dong.
          Maraming nakuhang kalakal ang magkapatid, naibenta nila ito ng halos 300 pesos.  Bumili ng bigas ang dalawa at agad isinaing nila ito, bumili na rin sila ng dalawang de lata ng sardinas at iginisa na rin nila ito. Pagkatapos mag-luto sabay ng kumain ang dalawa. Gabi na nun at nagpahinga na rin sila pagkatapos kumain, naligo at muna si dong bago natulog. Naabutan ni Ding ang kapatid na nakahiga na rin sa munti nilang bahay sa ilalim ng tulay. Habang tinititignan niya ang bunsong kapatid ay may konting luha na rin ang nanggigilid sa kanyang mga mata. Di rin niya napigilan mapaluha sa awa na nadadama niya sa kanyang kapatid dahil di nito ma-enjoy ang buhay bilang isang bata. Iniwan na muna ni Ding ang kapatid lumabas na muna siya sa labas upang magmuni-muni. Isang grupo ang kanyang nakita may kinuha itong bata at isinakay sa isang puting Van, iyak ng iyak ang batang babae, habang tinatawag nito ang pangalan ng kanyang kuya. Pagka-alis ng Van ay nakita na lamang niya ang isang lalaki na Umiiyak. Nilapitan niya ito, at tinanong niya ng:  "Bakit mo yun ginawa?", "madali lang ang sagot diyan, para magkapera", sagot ng lalaki sabay umalis ang na ang lalaki. Napatigil naman si ding at napatingin sa langit, at tila malalim ang iniisip.
          Maraming araw ang lumipas, isang araw nalang bago ang kaarawan ni ding. Hindi na madalas nakakasama ni dong ang kanyang kuya. Kung makasama niya man ito ay sa bahay nalang nila at laging lasing, pero nakakalakal pa rin ito, hindi lang alam ni dong kung saan. Napalayo na ang loob ng kanyang kuya sa kanya sa mga lumipas na araw.Pagkatapos mangalakal ay kumita ng 100 si dong. Napadaan siya sa isang book store, pumasok siya kahit alam niya nakakahiya ang suot niya na na madumi at madugyot niyang katawan na halatang pawisan at di pa naliligo. Pumunta siya sa corner ng mga dictionary. Ilang minuto lang ang nakakalipas ay lumabas na rin siya at tumuloy na siya sa paglalakad pauwi dala ang kariton niya.  Habang naglalakad siya ay maynakita siyang 100 pesos sa daanan. Agad niya itong pinulot at ngumiti siyang dumeretso sa paglalakad at tumigil siya sa paglalakad at tumigil siya sa isang pamilyar na gusali.
"Aling nena, pabili nga po posporo, tsaka pwede po pakibaryo ng yagpipiso yung sukli", sabay abot ni dong sa 50 pesos kay sa tindera ng may ngiti sa labi. "Ang saya mo yata ngayon dong, nakita ko nga pala yung kuya mo nakikipag-inuman kina mang kanor", sabay abot ng posporo sa bata. "ganun po ba, sige po una na po ako', paalam ni dong. 
Alas tres na ng umaga pero wala pa rin ang kanyang kuya ding. Hangang dinalaw na ng antok si dong pagkagising niya ay alas sais na ng umaga , pero wala parin ang kanyang kuya. Agad nalang niya inayos ang dapat ayusin sa araw at oras na iyon masayang lumabas si dong sa kusina nila. Hanggang may kumatok, ang kanyang kuya na lasing pa . Agad siyang hinila nito palabas na parang isang malupit na tao. Sa mga oras na iyon ay di kilala ni dong ang kanyang kuya dahil sa kinikilos nito. Agad siyang binigay ng kuya niya sa isang dalawang lalaki at agad siyang pinasok sa Puting Van, umiyak ng umiyak si dong dahil di niya alam na magagawa ito ng kanyang kuya. Hindi na makasigaw si dong dahil may tali na nakatakip sa knyang bibig at di naman siya makagalaw dahi may tali na rin ang kanyang paa at kamay. Ang nagawa niya nalang ay umiyak at gumalaw na parang isang baboy na kakatayin. hanngang naramdaman niya na umandar na ang Van.
Agad na pumasok si Ding sa kanilang bahay na tila walang pag-sisisi sa ginawa, pumunta siya agad sa kusina at nagulat siya sa kanyang nakita. Isang Chocolate cake ang nakalagay sa kanilang lamesa at may kandila sa taas nito at may mga baryang tagpipiso na binuo rin sa taas ng lamesa ang katagang"hapi b-day", na gawa sa baryang pinagsama-sama. Naiyak si Ding sa kanyang nakita , tumulo ang maraming luha sa kanyang mga mata. isang tanong ang sumagi sa kanyang isip, ang tanong na "bakit?". Bukod sa cake at at mga barya ay may nakita siyang sulat na lalong nagpaluha at nagpanginig sa kanyang buong katauhan, at nagpakonsensiya sa kanyang sarili. Isang sulat na naglalaman ng:
kuya kung wala man ako ngayon , nasa kalsada na ako nito at naghahanap ng kalakal sana kuya magustuhan mo ang regalo ko sayo.
 KUYA HAPPY BIRTHDAY PO
IKAW PO ANG DA BEST KUYA SA BUONG MUNDO.
 MAHAL NA MAHAL PO KITA.

(KARUGTONG SA LIKOD)

        Agad na pinunta ni ding sa likod na parte ng liham ang kanyang paningin na nagpahina ng kanyang kalooban, na may nakasulat na: 

kuya alam ko na po sagot sa tanong niyo. ang tagalog ng cake ay 
KEYK
HAPPY BIRTHDAY ULIT KUYA.